Thursday, February 22

Insomniac

"There are certain people you just keep coming back to
She is right in front of you

You begin to wonder could you find a better one
Compared to her now she's in question.."


Wala lang. Gusto ko lang 'ilagay ulit 'tong lyrics na 'to.
Hindi ako makatulog eh. Theoretically, tonight dapat ang pinakamahimbing na tulog ko.
I stayed awake for long hours kasi during the last two nights because of these two freakin' exams in Plant Physiology. I hope I'd get a fair credit for the efforts I've given, makapag-aral lang ng maayos sa subject na 'to.

So 'yun. Ang weird. Ba't ako hindi makatulog.. Actually nagising lang ako ng mga 12mn kanina. 10pm yata ako natulog eh. So bale 2 hours pa lang ako natutulog pero paggising ko kanina, it really felt like I was asleep na for so long.. wow - really weird.

It's Ash Wednesday. Projected plan: lunch time we go and attend the mass at the PGH Chapel (mass is every 12:15pm to 1pm). We didn't make it dahil dun sa EXHAUSTING laboratory exam na yun sa Bio 121. Whew. SO MUCH -- so much for a 1 unit course. Ibang klase. Daig pa ang Microbiology Lab Exams.

Thankfully we managed to catch the mass later that afternoon (around 5pm). Nagpaalam na lang kami sa prof. She said it was okay, as long as may maiiwan na groupmate para hintayin yung ino-autoclave. At yun nga. Surprisingly after nung mass (6.30 na yata nun) eh nandun pa sa school sila ma'am at yung iba. So medyo may naitulong pa kami ng konti (though halos patapos na rin sila..). I think this was the very first time na hindi nag-overtime ang laboratory class namin sa Microbiology (for the record: the latest time was 9.30pm).

And then umuwi ako agad. Hindi dahil sabik akong umuwi.

I really love going to school. I enjoy being in school. Wala lang. 'Eto kasi yung idea na pinaka-unang pumasok sa isip ko kaninang umaga pagdating na pagdating ko eh. (di ba, lala -- and you thought i was thinking weird). Ang boring kasi sa bahay. Eh sa school - nandun na lahat. Nandun yung gusto kong laging makita. Yung mga ayaw kong makita nandoon din, nakikihalo. Sa school ko rin nare-realize kung gaano pala ka-complicated ang buhay. Dito nagsisimula ang mga problema. Kadalasan dito rin naaayos. Of course, dito ako natututo, hindi lang ng mga bagay na itinuturo ng mga prof. A lot more than that. Sa school ako madalas magkuwento at makipagtawanan. Pero dito rin ako madalas maasar o ma-bad trip.
Kaya gusto kong pumapasok sa school eh. It makes me feel human.

Naku, past 2am na. Pero ba't ganun hindi pa rin ako inaantok. Nag-midnight snack na nga ako. Haaay. Baka mamaya antukin ako sa class ni ma'am devs. No.. hindi pwede. Oops may make-up class pala sa Eco today. so now i have to force myself na matulog na. Trivia: i've never attended an early-morning make-up class in ecology. not one. (or i'm just suffering from short-term memory loss? i don't know.)

Feb. 21 became a really significant date this year because of Moi.
Grabe mabuti naman at naisipan mong dumalaw. Nakaka-miss ka, swear.
Siguro kung nasa school ka lang, baka sa'yo ako humihingi ng advice tungkol sa mga bagay-bagay.
Thank you sa lahat.


"..and all at once the crowd begins to sing.
Sometimes,
We'd never know what's wrong without the pain
Sometimes the hardest thing and the right thing are the same."

---

"Insomniac" is Green Day's fourth studio album, released in 1995.


..rheyian™ XD

No comments: