Saturday, March 15

Summer Na Ba?

Sobrang init na.

Naglaba ako kanina. At grabe, to my surprise, hinihintay ko pa lang matapos yung 2nd batch ng mga damit sa spin dryer, eh tuyo na yung mga kakasampay ko lang na 1st batch. Wala pa yatang fifteen minutes yun. Ang bilis di ba? We'll in that sense, I think I should be more grateful pa nga kasi it made me finish my work faster than usual.

Pero to think, ganun na katindi ang sikat ng araw today. For sure lahat na naman ng mga taong walang magawa sa bahay (or should I say, 'buhay') ay nagsisiksikan ngayon sa mga mall para lang magpalamig. Mabuti na lang mas gusto kong mag-stay sa loob ng bahay.

But in general, it's not really okay. The weather, I mean.

Summer na ba?

Actually I was expecting this summer weather to be delayed, sometime around maybe mid-April pa, judging from the fact it was still rainy last December. I talked to my friend last night over the internet. He's in Hong Kong, working. Sobrang ginaw pa rin daw dun. He confirmed that it's still winter there. O di ba, where are all the cold winds from the northern hemisphere? They're supposed to carried by the northeasterly trade winds (tama ba?) towards our country.

Haaaaay. Makabili na nga lang ng halo-halo sa labas.

No comments: