Sunday, October 1

Back to basics

For the past three days I was like, the 'cave man.'
Dahil sa bagyo, tatlong araw din kaming walang kuryente, at tubig. Pati cash, muntik maubos. Mabuti na lang may naitabi pa kami beforehand.
Ano'ng ginawa ko sa tatlong araw na yun?
Eh di wala. Nothing productive.
  • Pinilit kong tapusin yung laruan na tulad nung kay Ate Tin ('di ko alam kung ano tawag dun eh, basta puzzle-like siya) pero unfortunately mahirap talaga (or am i really that stupid and impatient..?). Mabuti pa si Kuya Twit nagawa niya agad in just two attempts.. hmp.
  • I slept.. and slept.. and slept hanggang sa sumakit na ang ulo ko.
  • I dared myself na mag-aral ng Molluscs.. pero wala eh. Lalo lang akong nalulungkot.
  • In fairness, medyo nasagutan ko yung Lab Manual ko sa Genetics, though "hindi masyadong pinag-isipan" na answers, okay na. Basta meron. Hehe.
  • Physics Lab manual ko hindi ko ginalaw. I hate physics.
  • Siyempre kanino ko pa ba itutuon ang pansin ko para medyo matuwa ako kundi sa napaka-cute kong pamangkin.. Hahaha mabuti na lang nandiyan siya at may kalaro ako kahit papano. Haay. Sana ganyan siya for a long time, para nakakatuwa palagi. :-) October 1 na pala ngayon -- 8 months na si Rai! Yihee..
  • Sumama ako kila tita para bumili ng tubig (inumin). Ang haba kasi ng pila 'pag dito sa amin kumuha, saka papaubos na rin mga stocks. Sa mall pa tuloy kami bumili. First time ko palang makatikim ng calamares that time. Not bad (well actually 'di ko alam na squid yun nung una kaya ko kinain..).
Nakakatuwa (for me ha) na isipin na for around three days eh muling na-experience ng mga tao kung papaano mabuhay about 50 or 40 years ago.
  • Walang kuryente.
  • Sa gabi, puro lampara/kandila ang nakasindi.
  • Walang masyadong tao sa labas.
  • Lahat ng tao may dalang balde tuwing umaga (para umigib).
  • Walang cellphone. That was cool. Hahaha. Naka-relate din ako, sa wakas :-)
  • No Internet (walang network connection, wala ring magamit na PC)
  • Walang malamig na tubig. (Haay halos hindi ko kinaya)
  • Walang TV! Goodness. Ang lungkot talaga.
  • Lahat ng bata dito sa amin puro Philippine Games ang nilalaro.. nakakatuwa ngang panoorin eh. Para akong nasa probinsiya.
  • Maaga kung matulog ang mga tao.

Ako, medyo hirap na sa 3 araw na yun. Papaano pa kaya kung 1960s pa talaga ako nabuhay..? Hmm.. sanayan lang siguro yan. Pero naisip ko lang, yun ang mahirap.
Dahil sa napakaraming mga bagay ngayon na bago, mas madali nang makalimot ang mga tao sa mga bagay na mayroon dati.
Mga bagay na noon ay mahalaga at hanggang sa ngayon ay 'di pa rin dapat kinaliligtaan.

-----

"Back to Basics" is Christina Aguilera's third studio album, released in 2006.

..rheyian™ XD

No comments: