Sunday, July 23

Like there's no tomorrow

Swim like you ate a gillyweed.
  • i hate thurdays this sem. advance swimming kasi. this day is a total breakdown for me. though i enjoy swimming, hindi na biro yung mga pinapagawa sa amin ngayon. last thursday nga, we had a full legwork session. 'yung tipong may hawak kaming styro tapos paa lang ang gagamitin..?
  • kelangan naming matawid yung 50-m na swimming pool:
    • nang limang beses with a flutter kick (pang freestyle)
    • 5 times din na frog kick (pang breast stroke)
    • at 5 times ulit na flutter kick pero the other way around (naka backfloat)
  • so all in all, 750 meters ang nilangoy namin. whew.. see? isn't that torture..?! konti na lang at naka 1 km na kami. after that, pinag-10 laps pa kami ng freestyle (around 70 meters in total)!!
  • masama pa pakiramdam ko nun. Nung nag-lunch kami [sa Popeye's :-) ], nagdecide ako na uminom na ng gamot kasi parang lumalala pa. Good thing may dala si Rosa. Ayon, few hours pa, wala na akong headache pero my face became horrible. only to find out na Ibuprofen pala yung nainom ko. I get side-effects sa Ibuprofen. Pero yun nga, the damage has been done. Pantal everywhere sa mukha ko. But i know that a few hours more and mawawala din yun. At nawala na nga bago pa matapos ang Plant Morpho lab class ko.
  • i'll call it a night. an awful thursday night.

T.G.I.F.
  • Freaky Friday
    • Ito ang malupit. Ang araw na pinaka-aabangan ng lahat. Hmm, hindi naman lahat. Pero kasi, 1st exam namin 'to this sem. 1st exam sa invertebrate zoology (our only bio subject na 5 units). Heavy talaga. make that twice as heavy. sabay pala sa araw na 'to ang lecture and laboratory exam. San ka pa? bionic, di ba.
    • At hindi pa dun natapos. May quiz pa kami sa Genetics. At hindi siya madali like i well, somehow, expect. Paano kasi, dati, pag nagpa-quiz yung prof, manghihiram ng pina-fotox naming lecture notes, tapos on-the-spot ang pagtatanong. Malay ko bang nagyon eh handa siya. As in. May kanya-kanyang questionnaire pa talaga. Ay nako. Anyway, "quiz lang yun! hehehe"
  • Dance like there is no tomorrow
    • First Biogyugan Practice - wow. Usapan was 6pm. Eventually, it turned out really bad (i think) dahil nagstart ang practice ng almost 8pm na! kamusta naman yun..?! Kaya ayun, 10.30 na nang mag-pack up kaya obviously wala nang trips to Sta. Rosa that night. Mabuti na lang there was this friend of mine na sobrang bait para patuluyin muna ako sa kanila. Grabe. First time kong makapunta sa bahay nila. The house was brilliant. Sobrang bait pa ng magulang.
      • salamat pala sa mga pagkain na pinauwi nyo. ang sarap. ang dami. di ko maubos. hehe. paano na nga ba ulit gumawa ng macapuno..? hehe. :-) thanks, sobra.
      • and your dogs! they're sooo coool. lalo na si pikot (tama ba..? hehe im not sure). poodle siya, right? haha sorry ha hindi ako masyadong familiar sa mga aso...
    • Ok, going back sa practice... eto lang masasabi ko: oh, my, goodness. parang ayoko na. ibang level. grabe. iba talaga. nakakatakot. nanginginig nga tuhod ko kahit nung warm up pa lang. as in. honestly. para akong nag-aaudition sa indayog. Ganun ang level. or baka sobra pa.
    • Oops. Tama na. this thing is quite confidential. Just wait and see. Sabi nga ng isa kong blockmate, "be part of this award-winning performance."
      • Whew. I just hope he's right.
    • And one more thing, dapat talaga nagddorm na ako.
  • It's someone's birthday that day (July 21)!
    • Reinzi happy 18th birthday!

..rheyian™ XD

No comments: